Advertisement

Responsive Advertisement

SARA DUTERTE: ‘DAPAT LANG’ PALITAN SI MARTIN ROMUALDEZ BILANG HOUSE SPEAKER: "KLARONG-KLARO INVOLVED SIYA SA ANOMALYA"

Martes, Setyembre 16, 2025

 



Naglabas ng matapang na pahayag si Pangalawang Pangulo Sara Duterte kaugnay ng mga panawagang palitan si House Speaker Martin Romualdez bilang lider ng House of Representatives, dahil umano sa mga isyu ng katiwalian at kontrobersiya na nakakabit sa kanyang pangalan.


Sa isang panayam nitong Martes, Setyembre 16, sinabi ni Sara na pabor siya sa posibilidad ng pagpapalit ng liderato sa Kamara, lalo na’t nakita raw ng publiko ang mga naging problema sa mga budget noong 2023, 2024, at 2025.


“Dapat lang, dapat lang talaga, dahil nakita niyo naman yung budget sa 2023, 2024, 2025. Malamang agawan na naman niyan ng budget sa 2026,” ani Sara.


Binanggit ni Duterte na noon pa man ay binalaan na niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa umano’y mga alegasyon ng “bribery” at “racketeering” na konektado kay Romualdez, at tinanong pa niya kung tama bang pagkatiwalaan ang ganitong uri ng lider.


“Nakalagay sa isang kaso doon sa America. Klarong-klaro na doon nakita na involved siya sa racketeering and sa bribery, Hindi ako kakampi ninuman sa Kongreso, pero kung may mga isyu ng katiwalian, responsibilidad natin na magsalita. Dapat lang na mapalitan kung hindi na makatarungan ang pamumuno” ani Sara.


“So, ikaw ba presidente ka? Ilalagay mo ba yung ganyang klaseng speaker? Siyempre hindi na diba?”


Dagdag pa niya, nang siya ay Kalihim ng Department of Education (DepEd), ay naiparating na rin niya sa Pangulo ang umano’y korapsyon sa budget ng ahensya, ngunit pinili raw nitong ipagsawalang-bahala ang isyu.


Gayunpaman, nilinaw ni Sara Duterte na wala siyang susuportahang sinumang kongresista para palitan si Romualdez, dahil nakatuon siya sa trabaho bilang pinuno ng Office of the Vice President.


Ang pahayag ni Sara Duterte ay nagpatingkad sa lumalalim na tensyon sa pagitan ng mga dating magkaalyado, habang patuloy ang mga panawagan na baguhin ang liderato ng House of Representatives. Habang wala pa siyang sinusuportahang kapalit, malinaw ang mensahe ng Bise Presidente: hindi dapat manatili sa puwesto ang mga pinuno na nasasangkot sa kontrobersiya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento