Advertisement

Responsive Advertisement

PET-FRIENDLY STEAKHOUSE SA QUEZON CITY, PINAPAKAIN ANG MGA ASPIN ARAW-ARAW NG MGA STAFF: "HINDI LANG TAO ANG NAGUGUTOM"

Lunes, Setyembre 15, 2025

 



Nagbigay ng ngiti at kilig sa maraming netizens ang isang cute at heartwarming na tagpo sa Steak to One PH sa Maginhawa Street, Quezon City, kung saan isang aspin na pinangalanang ‘Wolf’ ang nahuling nanghihingi ng pagkain sa harap ng establisyimento.


Sa mga larawang kumalat online, makikitang magalang na nakatingin si Wolf sa mga staff habang tila humihiling ng pagkain at hindi naman nagdalawang-isip ang mga tauhan na pakainin siya ng masustansyang pagkain.


Ayon sa may-ari ng Steak to One PH, hindi lamang si Wolf ang kanilang pinapakain kundi marami pang mga asong gala sa paligid. Nilinaw rin nila na hindi lang tira-tirang pagkain ang ibinibigay nila kundi mga pagkaing may sapat na nutrients para mapanatiling malusog ang mga aso.


“Pet-friendly kami dito. Gusto naming kahit papaano ay may makain at mainom ang mga asong gala. Lahat sila may karapatang maramdaman na may nagmamalasakit sa kanila,” pahayag ng may-ari ng Steak to One PH.


May nakahandang mga lalagyan ng tubig at dog food sa may entrance ng kanilang kainan para may makain agad ang mga aspin na dumaraan. Bumuhos ang suporta at papuri mula sa mga netizens na nagsabing sana raw lahat ng establisyemento ay katulad ng Steak to One PH na may malasakit sa mga hayop.


Ang simpleng kabutihang ipinakita ng Steak to One PH ay isang magandang paalala na ang malasakit ay walang pinipiling nilalang tao man o hayop. Sa panahon kung saan maraming asong gala ang gutom at pinapabayaan, ang kanilang ginagawa ay patunay na kahit maliliit na kabutihan ay may malaking epekto.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento