Mariing pinabulaanan ni Panfilo Lacson, Senate President Pro Tempore, ang mga kumakalat na balitang umano’y may planong palitan si Tito Sotto bilang Senate President at iluklok umano si Alan Cayetano sa posisyon.
Sa isang panayam nitong Linggo, tinawag ni Lacson ang mga naturang post sa social media bilang “Faky Breaky News”, na aniya’y sadyang ginawa para linlangin at guluhin ang publiko.
“Peke. Intended to deceive and confuse. Underestimating the intelligence of the new Senate majority bloc, nagbabakasakaling may tumalon at magpirma,” ani Lacson.
“Malevolent, underhanded, foul and desperate. Kung may song na ‘Achy Breaky Hearts,’ eto naman — ‘Faky Breaky News.’”
Nilinaw pa ni Lacson na may tamang proseso ang pagpapalit ng liderato sa Senado.
Ayon sa kanya, kinakailangan ng isang resolusyon na pirmado ng hindi bababa sa 13 senador at ito ay dapat ipinapasa mismo sa kasalukuyang Senate President.
“The sitting Senate President resigns at the opening of the session, not through a media outlet, whether nationally recognized or obscure,” paliwanag pa niya.
Dagdag pa ni Lacson, hindi basta-basta napapalitan ang Senate President sa pamamagitan lang ng mga tsismis sa social media.
Ang matapang na pagtanggi ni Panfilo Lacson sa mga balitang may coup umano sa Senado ay isang paalala na hindi dapat basta-basta pinaniniwalaan ang mga kumakalat online.
Mahalagang alalahanin na ang mga institusyong tulad ng Senado ay may malinaw na proseso at hindi basta nasusupil ng mga tsismis o pekeng balita
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento