Hindi napigilang banatan ng talent manager at host na si Ogie Diaz ang senador na si Rodante Marcoleta, matapos umano nitong protektahan ang mga kontraktor na sina Curlee Discaya at Sarah Discaya na nasasangkot sa mga alegasyon ng katiwalian sa mga flood control projects.
“Hindi makatarungan na ang mga walang ninakaw ay pinag-initan, habang ang mga may mabibigat na alegasyon ay tila pinoprotektahan. Nasaan ang hustisya?” -Ogie Diaz
Sa kanyang post sa Facebook, ibinahagi ni Ogie ang isang video clip na nagpapakita umano ng pagtatanggol ni Marcoleta sa mag-asawang Discaya, at nilagyan ito ng caption na kumukuwestiyon sa posisyon ng senador.
Ayon kay Ogie, nakapagtataka raw na tila mas matindi pa ang naging galit ni Marcoleta noon sa ABS-CBN na isinara noong 2020 kumpara sa mga taong inaakusahan ng pagnanakaw ng pera ng bayan.
“Senador Marcoleta, dapat kung gaano ka kagalit sa ABS-CBN noon kahit wala namang ninakaw na pera sa kaban ng bayan, dapat mas galit na galit ka sa mga Discaya,” ani Ogie.
Dagdag pa niya, madalas daw niyang mabasa sa mga komento ng netizens ang tanong na: “Nagkabigayan ba?”
Binatikos din ni Ogie si Marcoleta sa kanyang mabilis na pag-endorso sa pagsasailalim ng mag-asawang Discaya sa Witness Protection Program, sa kabila ng mga alegasyon laban sa kanila. Para kay Ogie, dapat ay mas busisiin muna ang mga paratang bago ibigay ang ganitong proteksyon.
Ang matapang na pahayag ni Ogie Diaz ay nagpapakita ng hinaing ng maraming mamamayan na naghahangad ng patas na hustisya. Sa kanyang punto, hindi dapat mas mabigat ang parusa sa mga wala namang kasalanan kaysa sa mga may iniimbestigahang alegasyon ng pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento