Advertisement

Responsive Advertisement

MJ LASTIMOSA, KUMUWESTYON SA TUNAY NA PAGKAKAKILANLAN NG MAY-ARI NG WAWAO BUILDERS: "HALATANG DUMMY CEO"

Martes, Setyembre 2, 2025

 



Umani ng atensyon online si MJ Lastimosa, Miss Universe Philippines 2014, matapos niyang kuwestyunin ang pagkakakilanlan ni Mark Allan Arevalo, na nagpakilala sa Senado bilang may-ari ng Wawao Builders—isang kontraktor na nasangkot sa umano’y mga ghost flood-control projects sa Bulacan.


"Kung talagang may pananagutan, dapat tukuyin kung sino talaga ang nasa likod ng mga ghost projects na ito. Hindi sapat na may isang taong uupo at magpapakilalang may-ari. Dapat panagutin ang tunay na responsable." -MJ Lastimosa


Sa kanyang X (dating Twitter) post noong Lunes, Setyembre 1, sinabi ng beauty queen na halata raw na si Arevalo ay isang “dummy CEO.” “The owner of Wawao Builders na nanginginig sa hearing. Obviously is a dummy CEO,” ani Lastimosa.


Ang pahayag na ito ay kasunod ng pagdinig sa Senado kung saan inilahad ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na ilan sa mga proyekto ng Wawao Builders ay hindi natuloy at tinawag na ghost projects. Ayon sa kanya, umabot sa 85 kontrata na may kabuuang halagang ₱5.9 bilyon ang na-award sa kumpanya sa Bulacan lamang.


Sa ikalawang hearing ng Senate Blue Ribbon Committee, kinumpirma rin ni DPWH Undersecretary for Planning Services Maria Catalina Cabral ang sinabi ni Bonoan. Nang tanungin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada kung sumusuporta siya sa pahayag ng dating kalihim, diretsahan siyang sumagot ng, “Yes po, Your Honor.”


Sa social media, marami ang nagpahayag ng pagkadismaya at pagkabahala. Ang iba’y sumang-ayon kay MJ at nagsabing kailangan ng masusing imbestigasyon kung sino nga ba ang nasa likod ng Wawao Builders at kung paano ito nabigyan ng bilyon-bilyong halaga ng kontrata.


Ang isyung kinasasangkutan ng Wawao Builders ay isang malaking pagsubok sa transparency at accountability ng mga proyekto ng gobyerno. Ang pagtawag pansin ni MJ Lastimosa ay hindi lamang opinyon ng isang beauty queen, kundi boses ng karaniwang mamamayan na naghahanap ng sagot at hustisya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento