Advertisement

Responsive Advertisement

MGA ASPIN SA NAVOTAS, UMANI NG PAPURI MATAPOS MAKITANG MAAYOS NA PUMIPILA SA DOG FOOD DISPENSER

Miyerkules, Setyembre 17, 2025

 



Isang nakakatuwa at nakakaantig na tagpo ang nag-viral sa social media kung saan makikitang maayos na nakapila ang mga aso sa isang dog food dispenser sa Navotas.


Bagaman mga asong gala o stray dogs, mapapansin na kalmado at matiisin silang naghihintay ng kanilang turn upang kumain. Walang nagtutulak, walang nag-aagawan tila ba naturuan silang umintindi, ngunit ayon sa mga netizens, ito ay likas na asal ng mga hayop na may mabubuting puso.


“Not trained, just naturally well-mannered… Hungry yet calm. Desperate yet respectful, They remind us that kindness, patience, and respect don’t always need to be taught  they come from the soul.” saad ng orihinal na post.


Bagaman halatang gutom, piniling maging mahinahon ng mga asong ito, isang malalim na paalala na kahit sa mga nilalang na madalas nakakalimutan, naninirahan pa rin ang kabutihang-loob. Bumuhos ang suporta at komento mula sa mga dog lovers at furparents na nananawagang maglagay pa ng mga dog food dispenser sa iba’t ibang lugar sa bansa upang matulungan ang mga aspin.


Maraming netizens ang nagsabi na hindi sapat ang pag-awa kailangan ng aksyon para sa mga asong kalye. Iminungkahi ng ilan na maaaring magkaisa ang mga lokal na pamahalaan, pet organizations, at mga pribadong indibidwal upang magtayo ng mga community feeders at water stations para sa mga hayop.


Ang mga asong gala sa Navotas ay nagpatunay na ang kabutihan, disiplina, at respeto ay hindi kailangang ituro minsan, natural itong naninirahan sa puso kahit ng mga nilalang na madalas nating nakakaligtaan. Ang kanilang simpleng pagtyatyaga ay naging inspirasyon sa mga tao upang kumilos para sa kapakanan ng mga hayop.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento