Advertisement

Responsive Advertisement

MARTIN ROMUALDEZ, NAG RESIGN NA BILANG SPEAKER SA GITNA NG ISYU: "MALINIS PO ANG AKING KONSENSYA, WALA AKONG GINAWANG ANOMALYA"

Miyerkules, Setyembre 17, 2025

 



Nagbitiw na sa puwesto si Martin Romualdez bilang Speaker ng House of Representatives, ngunit marami pa ring mga Pilipino ang hindi kumbinsido na sapat na ang kanyang pag-alis para managot siya sa mga umano’y anomalya sa mga proyekto ng imprastraktura.


“Malinis po ang aking konsensya, the longer I stay, the heavier that burden grows on me, this House, and the President I have always sought to support. Wala akong ginawang anomalya” pahayag ni Romualdez, patungkol sa mga alegasyong konektado sa mga proyekto ng imprastraktura.


Sa kanyang valedictory address, sinabi ni Romualdez na ang desisyon ay ginawa niya “with a full heart and a clear conscience,” at na ang pamumuno ay nangangahulugan ng pagtanggap at pagharap sa mga hamon.


Ayon kay Romualdez, ang kanyang pag-alis ay para bigyang-daan ang Independent Commission on Infrastructure (ICI) na magsagawa ng imbestigasyon nang walang pagdududa, walang impluwensya, at walang panghihimasok.


Binigyang-diin din niya na noong una pa man ay ipinangako niyang gagawin ang Kamara bilang “the people’s House, isang Kongresong bukas, tapat, at tunay na naglilingkod.”


Gayunpaman, hindi pa rin kontento ang marami sa publiko, at sinabing ang pagbibitiw ay hindi dapat maging dahilan para agad siyang maabswelto sa mga alegasyon.


“Umalis ako hindi dahil ako’y guilty, kundi dahil naniniwala akong mas makakamit natin ang buong katotohanan kung ako’y lilisan muna. Hindi ako lalayo haharapin ko ang proseso.”


Ang pagbibitiw ni Martin Romualdez bilang Speaker ay isang malaking hakbang tungo sa pagpapakita ng transparency, ngunit para sa maraming Pilipino, hindi pa ito sapat. Habang sinasabi ni Romualdez na gusto niyang bigyang-daan ang imbestigasyon, nananatiling hamon sa kanya na patunayan ang kanyang kawalang sala at panindigan ang kanyang pangakong paglilingkod sa 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento