Isang malaking dagok sa kredibilidad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Bulacan ang lumabas na balita matapos ideklarang guilty ang dating hepe ng Bulacan 1st District Engineering Office na si Henry Alcantara dahil sa pagkakasangkot sa anomalya sa mga flood control projects ng probinsya.
"Ito ay malinaw na mensahe: hindi palalagpasin ang mga tiwaling opisyal sa DPWH. Ang pondo ng bayan ay para sa taumbayan, at sino mang magnanakaw dito ay pananagutin." -DPWH Secretary Vivencio Dizon
Ayon kay DPWH Secretary Vivencio Dizon, napatunayang lumabag si Alcantara sa ilalim ng 2025 Rules on Administrative Cases in the Civil Service dahil sa mga kasong disloyalty to the Republic and the Filipino people, grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct prejudicial to the best interest of the service.
Bilang parusa, iniutos ang kanyang agarang pagpapatalsik sa serbisyo publiko nitong Huwebes.
Hindi lamang ito nagtatapos sa administrative sanction. Nanawagan si Dizon na magsampa rin ng criminal charges laban kay Alcantara dahil sa maling paggamit ng pondo ng bayan.
“This is a warning to DPWH officials and staff responsible for ghost and substandard projects, because as the President said, we will not let the corrupt in government go unaccounted for,” babala ng kalihim.
Bukod kay Alcantara, tatlo pang opisyal mula sa Bulacan 1st District Engineering Office ang iniimbestigahan at posibleng masampahan din ng kaso:
Brice Ericson Hernandez, dating Assistant District Engineer
Jaypee Mendoza, Construction Section Chief Engineer
Juanito Mendoza, Accountant III
Ang hakbang na ito ng DPWH ay itinuturing na mahalaga upang muling ibalik ang tiwala ng publiko sa ahensya na madalas nababalot ng isyu ng katiwalian.
Ang pagkakadismis kay Henry Alcantara ay isang matinding paalala na walang puwang ang katiwalian sa gobyerno. Sa kabila ng pagiging matagal na problema ng ghost at substandard projects, malinaw na ipinapakita ng DPWH na may pananagutan ang bawat isa, anuman ang kanilang posisyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento