Matapang na sinabi ni Sen. Christopher “Bong” Go na handa siyang papanagutin maging ang sarili niyang kamag-anak kung mapapatunayang sangkot ang mga ito sa mga iregularidad na konektado sa kontrobersyal na Discaya construction ventures.
"Kahit kamag-anak ko pa ang sangkot, hindi ko sila kukunsintihin. Ang serbisyo publiko ay hindi para sa pamilya o negosyo—ito ay para sa bayan." -Sen. Bong Go
Sa isinagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre 1, 2025, nilinaw ng senador na wala siyang kinalaman sa anumang negosyo ng kanyang pamilya. “Kung mayroon pong pagkukulang o deficiencies or mali, ako mismo po ang magrerekomenda sa komiteng ito na kasuhan kayo kahit kasama ang kamag-anak ko,” giit niya.
Mariin pa niyang idiniin: “At ulitin ko for the ninth time, I have nothing to do with business of my family. Wala po akong kinalaman sa negosyo nila.”
Ayon kay Go, simula nang siya ay 24 anyos at nagsimulang magtrabaho kay dating pangulong Rodrigo Duterte bilang mayor noon ng Davao, tuluyan na siyang lumayo sa anumang negosyo ng kanilang pamilya.
“I have no involvement in its operations. Twenty-four anyos pa lamang po ako, nagtatrabaho na ako kay former mayor Rodrigo Duterte,” dagdag ng senador.
Ipinunto rin niya na hindi kailanman lumapit ang kanyang mga kamag-anak upang humingi ng pabor para makakuha ng kontrata sa gobyerno. “Hindi po nakakalapit sa akin ang pamilya ko para humingi ng pabor sa kontrata ng gobyerno. ’Yan po ang sinabi ko noon pa,” aniya.
Dagdag pa niya, handa siyang magbitiw sa puwesto kung mapatunayan na nakialam ang kanyang pamilya sa alinmang tanggapan ng gobyerno habang siya ay nanunungkulan. “I will resign kapag pumasok sila sa City Hall o sa MalacaƱang pa. Ayoko po makisali sa negosyo ng pamilya ko, at ayaw ko rin po silang makialam sa trabaho ko.”
Ang pahayag ni Sen. Bong Go ay malinaw na mensahe ng pananagutan at transparency. Sa kabila ng mga isyung ibinabato sa kanya at sa kanyang pamilya, iginiit niyang hindi siya kailanman nakialam sa negosyo ng kanilang angkan. Ang kanyang panata na papanagutin maging ang sarili niyang kamag-anak ay isang matinding deklarasyon na ang serbisyo publiko ay dapat manatiling malinis at tapat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento