Usap-usapan ngayon sa social media ang content creator na si Fhukerat matapos siyang mag-viral dahil sa paggamit ng passport bilang identification sa isang domestic flight papuntang Boracay. Sa naturang video, makikitang kausap niya ang Cebu Pacific staff bago ipakita ang kanyang passport bilang valid ID.
“Wala namang masama sa paggamit ng passport kahit domestic flight. Gusto ko lang maging sure na walang hassle sa check-in. Ang mahalaga, valid at legit ang gamit mong ID.” -Fhukerat
Maraming netizens ang nagkomento ng biro at pang-aasar:
“International yun?”
“Passport na pala sa Bora?”
“May visa ba siya?”
“’Bat may passport e nasa Pilipinas ka naman?”
Gayunpaman, hindi nagpahuli ang mga netizens na depensa kay Fhukerat, na iginiit na ang passport ay isa sa pinaka-valid at tanggap na ID, maging sa domestic flights.
“Mas valid pa nga ‘yan kaysa sa ibang ID, hay naku,” ani isang user.
“Yung mga nagcomment, malamang di pa nakasakay ng eroplano,” dagdag pa ng isa.
Ayon sa isang netizen na nagpakilalang ground crew member ng Boracay Airport, mas prefer pa raw nila ang passport para sa check-in at boarding kaysa sa ibang Philippine-issued IDs.
“Actually, mas prefer namin passport for check-in and flight boarding. Ibang Philippine ID kasi is napepeke. Kung company ID gamit mo, mas mabuting may dala pang ibang valid ID or, better yet, a passport. Marami na kaming na-encounter na fake o tampered na government IDs.”
Ang isyu na ito ay nagpapaalala na ang passport ay hindi lamang para sa international travel, kundi isa ring pinakamalakas na uri ng identification kahit sa domestic flights. Maraming airline staff ang mas prefer ito dahil mas mahirap itong pekein kumpara sa ibang IDs.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento