Mariing tinutulan ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV ang ideya ng pakikipag-alyansa sa Duterte Bloc sa darating na pagbubukas ng 20th Congress ngayong Hulyo 28, 2025. Ayon sa kanya, hindi katanggap-tanggap ang anomang panukalang makipagkaisa sa mga personalidad na aniya’y responsable sa mga polisiya at pangyayaring labag sa demokrasya sa nakaraang administrasyon.
Sa isang direktang pahayag, iginiit ni Trillanes:
"ABA, IBANG USAPAN YUN. I CANNOT ACCEPT THAT. I DISAGREE FULLY WITH THE STATEMENT OF LENI ABOUT FORGING AN ALLIANCE WITH THE DUTERTES FOR THE SAKE OF PRAGMATISM AND WINNING THE ELECTIONS."
Ang pahayag ni Trillanes ay kasunod ng ulat na posibleng sumali sina dating Senador Kiko Pangilinan at Bam Aquino sa Majority Bloc sa Senado—isang grupo na kinabibilangan rin ng mga pro-Duterte senators.
Mas lalong umigting ang reaksiyon ni Trillanes matapos sabihing pabor umano si dating Bise Presidente at ngayo'y Naga City Mayor Leni Robredo sa isang “pragmatic alliance” o estratehikong pakikipagkaisa sa Duterte camp para sa mas malaking tsansa ng pagkapanalo sa halalan.
Ayon pa kay Trillanes, hindi raw siya kailanman papayag na isantabi ang prinsipyo kapalit lamang ng kapangyarihan. Aniya, ang anumang pakikipag-alyansa sa mga taong lumabag sa karapatang pantao ay hindi maaaring bigyang-katwiran ng “strategic politics.”
Binigyang-diin ni Trillanes na ang mga kasalanang ginawa ng administrasyong Duterte, lalo na sa isyu ng war on drugs at umano’y korupsiyon, ay hindi dapat kalimutan at lalong hindi dapat patawarin para lamang sa pansamantalang benepisyong pampolitika.
Habang lalong umiinit ang eksena sa pulitika sa nalalapit na pagbubukas ng Kongreso, nananatiling matatag si Antonio Trillanes sa kanyang prinsipyo.
Sa kabila ng mga panawagan para sa pragmatismo at pakikiayon para sa eleksiyon, iginiit niyang hindi kailanman dapat ipagpalit ang katotohanan at katarungan sa kahit anong uri ng alyansa. Muli niyang pinapaalala sa publiko na ang tunay na oposisyon ay dapat magsilbing boses ng prinsipyo, hindi ng kompromiso.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento