Advertisement

Responsive Advertisement

RAFFY TULFO GUSTONG MATULOY ANG IMPEACH TRIAL: BIGYAN SI VP SARA NG PAGKAKATAONG IPAGTANGGOL ANG SARILI

Martes, Hulyo 22, 2025

 



Nagbigay ng matapang na pahayag si Senador Raffy Tulfo kaugnay sa isyu ng nakaambang impeachment laban kay Bise Presidente Sara Duterte. Sa halip na basta na lamang ibasura ang reklamo, nais ni Tulfo na ituloy ang impeachment proceedings upang mabigyan ng patas na pagkakataon si VP Sara na ipagtanggol ang kanyang pangalan at linisin ang kanyang reputasyon sa publiko.


"Gustong-gusto ko matuloy ang impeachment trial para mabigyan natin ng pagkakataon si VP Sara na maisabi niya ‘yung kanyang side. Mas maganda di ba ma-clear niya ang name niya sa pamamagitan ng pagdedepensa niya doon sa impeachment, at mapapatunayan na inosente siya as opposed to ‘yung mababasura before na magkaroon ng hearing sa impeachment." -Senador Raffy Tulfo 


Ani ni Tulfo, ang impeachment ay hindi dapat katakutan kung may paniniwala sa sariling pagkaka-innosente. Sa halip, ito ay isang legal at demokratikong paraan para marinig ang parehong panig ang nag-aakusa at ang inaakusahan.


Dagdag pa ng senador, mas mainam na malinaw at bukas ang proseso upang walang alinlangan ang taumbayan sa magiging resulta. Aniya, ang transparency sa proseso ay mahalaga upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa mga institusyon ng pamahalaan.


Hindi rin daw tama na agad i-dismiss ang reklamo nang hindi pa nabibigyan ng pagkakataong makapagsalita ang akusado. Sa kanyang pananaw, ang ganitong hakbang ay maaaring makabawas sa tiwala ng publiko sa sistema ng hustisya.


Ang panawagan ni Senador Raffy Tulfo ay paalala na sa ilalim ng isang demokrasya, mahalaga ang patas na paglilitis at pagkakataong mailahad ang katotohanan. Sa halip na tapusin agad ang reklamo nang hindi naririnig ang panig ng akusado, dapat pairalin ang due process.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento