Isang malungkot na balita ang ibinahagi ni Boss Toyo sa kanyang pinakabagong video sa YouTube channel magsasara na ang “Pinoy Pawn Star,” ang kilalang local version ng sikat na reality pawn show.
“Pinangarap ko lang ‘to noon, pero dahil sa inyo, nabuo siya. Salamat sa tiwala, suporta, at pagmamahal. Kahit magsara na ang Pinoy Pawn Star, hinding-hindi ko makakalimutan ang bawat kwento na kasama kayo.” -Boss Toyo
Sa video, hindi naiwasan ni Boss Toyo na maging emosyonal habang ibinabalita sa kanyang libo-libong viewers ang desisyon nilang tuluyang isara ang shop.
“Malungkot man kami pero talagang isasara na namin yung Pinoy Pawn Star,” ani Boss Toyo.
Ang “Pinoy Pawn Star” ay nakilala sa social media dahil sa mga kakaibang items na isinasanla, kwelang negosasyon, at entertaining pero real-life content ng mga customer. Mula sa antigong relos hanggang sa kakaibang memorabilia, ang bawat episode ay parang isang paglalakbay sa kulturang Pilipino at kwento ng bawat isa.
Sa kabila ng anunsyo, punong-puno ng pasasalamat si Boss Toyo sa lahat ng sumuporta sa kanyang proyekto.
“Maraming salamat po sa inyong lahat. Sa bawat like, comment, at panonood niyo ng videos namin kayo po ang dahilan kung bakit tumagal kami ng ganito.”
Ang pagsasara ng “Pinoy Pawn Star” ay isang paalala na lahat ng bagay, kahit gaano pa ito kasaya o tagumpay, ay may hangganan. Pero sa dulo, hindi ang pagtatapos ang mahalaga kundi ang epekto nito sa puso ng mga tao.
Sa tulong ng YouTube at social media, napalapit si Boss Toyo sa masa, at sa bawat kwento ng pag-asa, sakripisyo, at pagpapakatotoo, nabuo ang isang makulay na komunidad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento