Advertisement

Responsive Advertisement

PAG-ASA UPDATE: BAGYONG DANTE LUMABAS NA NG PAR; BAGYONG EMONG, HUMINA HABANG NASA CORDILLERA

Biyernes, Hulyo 25, 2025

 



Nitong Hulyo 24 opisyal nang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Dante, ayon sa ulat ng PAGASA. Ngunit kasabay nito, pumasok na sa bansa ang isa pang bagyo na pinangalanang “Emong.”


“Bagama’t humina na ang Bagyong Emong, hindi pa rin dapat maging kampante. Pinapayuhan ang lahat na patuloy na mag-monitor ng mga advisories at sundin ang babala ng mga lokal na awtoridad, lalo na sa mga lugar na binabaha.” -PAGASA


Ayon sa pinakahuling bulletin ng DOST-PAGASA, humina na ang Bagyong Emong matapos tumawid sa bulubundukin ng Cordillera Administrative Region ngayong Biyernes, Hulyo 25. Kabilang sa mga lugar na tinamaan nito ay ang Abra, Ilocos Sur, at Pangasinan.


Nag-landfall si Bagyong Emong sa ikalawang pagkakataon sa Candon, Ilocos Sur kaninang 5:10 a.m. Matatandaang unang tumama sa lupa ang bagyo sa Agno, Pangasinan nitong Huwebes ng gabi, Hulyo 24.


Ayon sa PAGASA, inaasahan na patuloy na hihina si Emong at babalik bilang tropical storm ngayong araw. Inaasahan din na tuluyan itong lalabas ng PAR sa Sabado ng umaga o tanghali (Hulyo 26).


Pinapayuhan pa rin ang mga residente, lalo na sa Ilocos Region, Cordillera, at Northern Luzon, na maging alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dala ng malakas na ulan at bugso ng hangin.



Ang paglabas ni Bagyong Dante ay tila isang ginhawa, ngunit ang pagpasok naman ni Bagyong Emong ay patunay na ang panahon ngayong tag-ulan ay hindi dapat balewalain. Kahit humina ang bagyo, nananatili ang panganib ng pagbaha at landslide.


Ang patuloy na pagiging alerto, pakikinig sa balita, at paghahanda ang susi sa kaligtasan. Sa gitna ng mga bagyo, ang pagiging handa at maingat ay pinakamabisang sandata ng bawat Pilipino.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento