Hindi nagpatalo sa mga batikos si Jave Arnaiz, ang binatang nag-viral kamakailan dahil sa kakaibang surfing sa kalsada video na umani ng iba't ibang reaksyon online. Habang marami ang humanga sa kakaiba niyang trip, may ilang netizens naman ang nambash at tinawag siyang “adik.”
Pero imbes na patulan ang lahat ng negative comments, isang simple ngunit makabuluhang post ang sagot ni Jave sa kanyang Facebook:
“Misunderstood soul.”
Kasabay nito, ibinahagi niya ang kanyang graduation picture patunay na sa kabila ng mga judgment, may sarili siyang pinagkakaabalahan at narating sa buhay.
Hindi lang basta content creator o adventure seeker si Jave isa rin siyang graduate, bagay na ipinakita niya para ipamukha sa mga bumabatikos na hindi lahat ng nakikita online ay sapat para husgahan ang pagkatao ng isang tao.
Ayon kay Jave:
“Hindi porket nag-eenjoy kami o gumagawa ng kakaiba, ibig sabihin masama na agad. Hindi lahat ng tahimik, tambay, o kakaiba ang trip ay walang direksyon sa buhay.”
Para kay Jave, maraming kabataan ngayon ang tulad niya malikhain, adventurous, pero madalas na mi-misinterpret ng iba. Kaya niya raw ginamit ang linyang “misunderstood soul” bilang simbolo ng mga taong pinangungunahan ng husga.
“Salamat sa lahat ng sumuporta at pati na rin sa mga nambash dahil sa inyo mas lumakas ang loob ko na ipakita kung sino talaga ako. Hindi lang ako basta viral video. May pangarap din ako.”
Ang kwento ni Jave Arnaiz ay paalala sa lahat na sa likod ng bawat viral clip o post, may totoong tao na may sariling pinagdadaanan, pangarap, at kakayahan.
Minsan, mas madaling manghusga kaysa umintindi. Pero sa kwento ni Jave, pinatunayan niyang hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo sa lahat, basta alam mong may direksyon ang ginagawa mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento