Advertisement

Responsive Advertisement

MARCOS ADMINISTRATION: RESPETOHIN ANG DESISYON NG SUPREME COURT SA IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA

Sabado, Hulyo 26, 2025

 



Nanawagan ang MalacaƱang nitong Biyernes na dapat igalang ang desisyon ng Korte Suprema at patuloy na magtiwala sa mga institusyon ng pamahalaan matapos ideklara ng SC na unconstitutional ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.


“We call on everyone to respect the Supreme Court and place their trust in our institutions. Ang tiwala ng tao sa ating mga institusyon ang haligi ng demokrasya.” -MalacaƱang


Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mahalagang kilalanin ang pagiging independent ng legislative at judicial branches pagdating sa mga prosesong gaya ng impeachment.


“We call on everyone to respect the Supreme Court and place their trust in our institutions,” pahayag ni Castro.


Sa desisyong inilabas ng Supreme Court, sinabi ng mga mahistrado na hindi maaaring ituloy ang impeachment trial laban kay VP Duterte dahil ito ay barado ng one-year rule na nakasaad sa Saligang Batas.

Ayon kay SC spokesperson Camille Ting, hindi nito ibig sabihin na absuelto na si Duterte sa mga akusasyon.


“This does not mean the Vice President is absolved. Another impeachment complaint may be filed starting February 6, 2026,” ani Ting.


Dagdag pa ni Castro, hindi pa nila nababasa ang buong teksto ng desisyon ngunit naninindigan ang administrasyon na dapat igalang ang lahat ng sangay ng pamahalaan at panatilihin ang tiwala ng publiko.


“Ang impeachment ay isang proseso na eksklusibong pinangangasiwaan ng lehislatura at hudikatura. Dapat nating igalang ang kanilang kapangyarihan at kalayaan.”


Ang panawagan ng Marcos Administration ay malinaw na mensahe na sa gitna ng mga isyu sa politika, ang tiwala sa sistema at respeto sa mga institusyon ang dapat mangibabaw. Ang desisyon ng Supreme Court laban sa impeachment case kay VP Sara Duterte ay patunay na ang batas at proseso ang dapat sundin, hindi ang emosyon o pulitika.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento