Bilang tugon sa sunod-sunod na bagyo at malawakang pagbaha, naghatid ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng tulong na nagkakahalaga ng Php 30.41 milyon sa mga apektadong komunidad sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Ang naturang ayuda ay naglalaman ng 33,250 relief packs binubuo ng 17,000 food packs at 16,250 non-food items.
“Hindi lang pagkain ang dala namin, kundi pag-asa at suporta para sa bawat pamilyang apektado ng sakuna. Tuloy-tuloy ang aming pagtulong hangga’t kaya naming abutin ang mas marami pang nangangailangan.” -Marcos Administration
Ayon sa Marcos Administration, ang hakbang na ito ay bahagi ng pangako ng gobyerno na maagap na tulungan ang mga Pilipinong nawalan ng kabuhayan at kabahayan dahil sa matinding pag-ulan, habagat, at bagyo.
“As millions in Metro Manila and other provinces suffer from torrential rains and floods triggered by the southwest monsoon and tropical storms, we quickly mobilized our relief operations teams,” pahayag ni PAGCOR Chairman and CEO Alejandro H. Tengco.
Dagdag pa ni Tengco, ang PAGCOR ay may tungkuling moral at legal na tumulong sa mga Pilipino sa oras ng pangangailangan.
“As the government’s partner in nation-building, we are morally and duty-bound to come to the aid of Filipinos in times of need, and that includes being one of the first responders when calamities strike,” ani Tengco.
Ang ayuda ay naipamahagi sa mga LGU ng Maynila, Quezon City, Marikina, ParaƱaque, at mga probinsya ng Cavite, Batangas, Rizal, Bulacan, Occidental Mindoro, La Union, at Laguna. Nagtulungan din ang ACT Teachers Partylist at Nanay Partylist sa pamamahagi ng mga relief goods sa kanilang mga nasasakupan.
Tiniyak ni Tengco na ang operasyon ng pagbibigay-tulong ay magpapatuloy sa mga susunod na araw para maabot pa ang mas maraming komunidad.
“Hopefully, we would be able to bring not just food and other essentials but also much-needed hope and support,” dagdag niya.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tinatayang 5.29 milyong katao o 1.46 milyong pamilya mula sa 17 rehiyon ang direktang naapektuhan ng mga kalamidad.
Ang Php 30.41 milyon na ayuda mula sa PAGCOR ay patunay na ang tunay na bayanihan ay buhay na buhay sa oras ng sakuna. Hindi lamang pagkain at pangunahing pangangailangan ang hatid ng relief efforts, kundi pag-asa at tapang para sa mga Pilipinong patuloy na bumabangon mula sa trahedya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento