Advertisement

Responsive Advertisement

MAAARING ISUNOD SI BATO DELA ROSA SA PAG-ARESTO NG ICC - MARCOS ADMINISTRATION

Sabado, Hulyo 19, 2025

 



Posibleng humarap na rin sa parehong kapalaran ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Ronald “Bato” dela Rosa matapos ihayag ng International Criminal Court (ICC) na maaari rin siyang maharap sa aresto. Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin sa panayam ng Kyodo News, maaring isunod si Dela Rosa sa isinagawang pag-aresto kay Duterte noong Marso, na ngayon ay nakakulong sa The Hague.


“Kung darating ang panahon na kailangan kong harapin ito, handa akong ipaglaban ang katotohanan. Ginawa ko lang ang trabaho ko bilang isang alagad ng batas. Hindi ako nagtago. Hindi ako natakot,” pahayag niya sa panayam. -Senador Ronald “Bato” dela Rosa 


Si Dela Rosa ang dating hepe ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng administrasyon ni Duterte ang panahon kung kailan isinagawa ang kontrobersyal at madugong “war on drugs.” Sa ilalim ng kampanyang ito, libu-libong Pilipino kabilang ang mga pinaghihinalaang drug user at pusher ang naiulat na nasawi, karamihan ay sa diumano’y extra-judicial killings.


Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, wala pa umanong opisyal na komunikasyon mula sa ICC tungkol sa ibang mga akusado, kabilang na si Dela Rosa.


“Sa ngayon, wala pa po tayong natatanggap na anumang communication kung mayroon na pong warrant of arrest para sa mga co-perpetrators ni dating Pangulong Duterte,” ayon kay Castro sa isang press briefing sa MalacaƱang.


Bagama’t wala pang pormal na warrant, lumalakas ang espekulasyon sa publiko na isa si Dela Rosa sa susunod na haharap sa imbestigasyon at posibleng pagkakakulong dahil sa kanyang aktibong papel sa pagpapatupad ng anti-drug campaign noong 2016 hanggang 2018.


Sa kabila ng usap-usapan, nananatiling matatag si Senador Dela Rosa sa kanyang paninindigan.


Habang patuloy ang imbestigasyon ng ICC sa war on drugs ng nakaraang administrasyon, tila palapit nang palapit ang posibilidad na mapanagot din ang mga pangunahing personalidad na nagpapatupad nito. Isa na nga rito si Senador Bato Dela Rosa.


Gayunpaman, sa kabila ng banta ng pagkakakulong, nananatili siyang matatag at buo ang loob handa raw niyang harapin ang anumang imbestigasyon, basta’t mailabas ang katotohanan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento