Advertisement

Responsive Advertisement

"KALOKOHAN", FORMER PRESIDENT DUTERTE NILINAW NA WALA SIYANG KINALAMAN SA MGA NAWAWALANG SABUNGERO

Sabado, Hulyo 19, 2025

 



Mariing itinanggi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y pagkakadawit ng kanyang pangalan sa kaso ng mga nawawalang sabungero na iniugnay sa kanyang kontrobersyal na kampanya laban sa ilegal na droga.


“Kung may ebidensya sila, ilabas nila. Huwag nilang gawing laro ang pangalan ko. Kalokohan ‘yan. Wala akong kinalaman diyan, at lalong wala akong koneksyon kay Atong Ang.” - Former Rodrigo Duterte


Sa isang pahayag mula sa The Hague, Netherlands kung saan siya kasalukuyang nakakulong dahil sa mga kasong isinampa ng International Criminal Court (ICC), sinabi ni Duterte:


“Kalokohan ‘yan. Wala akong kinalaman diyan, wala akong koneksyon kay Atong Ang, at lalong walang kaugnayan ang drug war sa mga nawawalang sabungero.”


Ayon kay Duterte, malinaw na ginagamit lamang ang kanyang pangalan para sa pansariling interes ng ilang grupo.


“Ginagamit nila ang pangalan ko para manira, para magmukhang masama. Pero sanay na ako sa ganyan. Wala akong koneksyon sa isyu ng sabungero o kay Atong Ang,” dagdag pa ng dating pangulo.


Matatandaang ilang buwan nang mainit na usapin ang kaso ng 34 nawawalang sabungero. May mga paratang na may mas mataas na personalidad umanong sangkot sa pagkawala ng mga ito, kabilang na ang mga opisyal ng gobyerno.


Gayunpaman, ayon sa mga opisyal ng Department of Justice (DOJ), wala pa silang ebidensya na mag-uugnay kay Duterte o kay Atong Ang sa insidente.


Sa kabila ng patuloy na pag-uugnay sa kanyang pangalan sa iba't ibang kontrobersiya, naninindigan si dating Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang kaugnayan sa kaso ng mga nawawalang sabungero.


Sa ngayon, ang tanong ng marami ay kung makikita pa ba ang buong katotohanan sa likod ng misteryosong pagkawala ng mga sabungero. Habang naghihintay ang publiko ng sagot, isa lang ang tiyak: mas marami pang pahayag ang inaasahang maririnig mula kay Duterte habang patuloy ang imbestigasyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento