Advertisement

Responsive Advertisement

HINDI PERA ANG BATAYAN, BATANG DOKTOR VIRAL DAHIL P300 LANG CONSULTATION FEE PARA SA MGA MAHIHIRAP

Sabado, Hulyo 19, 2025

 



Sa panahon ngayon kung saan mahal ang pagpapakonsulta sa mga ospital, isang batang doktor sa Taguig City ang hinangaan ng publiko dahil sa kanyang malasakit sa mga kababayan. Si Dr. Russel Nacog-ang Guadilla, 27-anyos, at bagong lisensyadong doktor, ay nagbukas ng kanyang maliit na outpatient clinic sa West Rembo, Taguig, kung saan nag-aalok siya ng konsultasyon sa halagang P350 lamang at mas mura pa para sa PWDs, estudyante, at senior citizens na P300 lang kada konsultasyon.


Sa kanyang viral TikTok post, ibinahagi ni Dr. Russel:


“27 years of studying. First doctor sa family. Newly licensed, walang ipon. Hindi ko naman yata ikamamatay magbukas ng clinic ng P350 (P300 sa PWD, student, senior) per consult.”


“Hindi ako nagbukas ng clinic para lang kumita. Nagbukas ako para sa mga kapitbahay ko na walang choice kundi pumila ng ilang oras o magtiis ng sakit. Hindi lahat ng tulong kailangang mahal. Minsan, sapat na ang simpleng serbisyo basta may malasakit.”


Ayon kay Dr. Russel, napansin niyang kaunti lang ang gumaganang health centers sa paligid ng Bonifacio Global City (BGC), kabilang ang West Rembo kung saan siya rin mismo nakatira.


“So where do minimum wage earners go when they need a doctor but can’t afford hospitals or can’t wait hours in line sa health center?”


Dahil dito, pinili niyang buksan ang kanyang sariling clinic hindi para kumita, kundi para makatulong sa mga nangangailangan.


Si Dr. Russel ay unang doktor sa kanilang pamilya. Lumaki siya sa isang simpleng komunidad kung saan maraming hindi nakakakuha ng agarang medical assistance. Ito ang nagtulak sa kanya para piliing manilbihan sa mas nangangailangang lugar, sa halip na magtrabaho agad sa malalaking ospital.


“For me, P300 felt like a very fair balance—enough to keep the clinic running smoothly, but still very much within reach for most mid- to low-income earners,” dagdag pa niya.


Hindi matutumbasan ng pera ang serbisyong may puso. Ang kwento ni Dr. Russel Guadilla ay paalala sa lahat na hindi hadlang ang estado sa buhay para makatulong sa kapwa. Sa simpleng clinic niya sa Taguig, isang malaking hakbang ito para sa mas maraming Pilipino na walang kakayahang magbayad ng mahal para sa check-up.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento