Matinding banat ang pinakawalan ni dating abogadong Larry Gadon laban sa Korte Suprema matapos itong umano’y maging "bulag" at "tikom ang bibig" sa mga umano’y paglabag ng ilang mataas na opisyal ng gobyerno, partikular na si Vice President Sara Duterte.
Sa isang panayam, tahasang sinabi ni Gadon:
"Ako nga dinisbar ako for a much lesser offense, samantala si Sara katakot-takot na pagmumura, katakot-takot na pagbabanta ng pagpatay yung ginawa niya hindi siya dinisbar."
Noong 2023, tuluyan nang dinisbar si Larry Gadon matapos mapatunayang lumabag siya sa code of professional responsibility bilang abogado, partikular na ang paggamit niya ng salitang bastos, pagmumura, at di-akmang pag-uugali sa publiko. Ang Korte Suprema mismo ang naglabas ng desisyon, sinasabing hindi na karapat-dapat si Gadon na humawak pa ng lisensya.
Ngunit ngayon, tila hindi pa tapos ang kanyang laban.
Ang mainit na punto ng dating abogado ay ang umano'y "dobleng pamantayan" ng Korte Suprema pagdating sa mga kasong may kaugnayan sa mga Duterte. Ayon kay Gadon, hindi raw patas ang sistema.
"Kung ako ang ginawang halimbawa, bakit parang immune sa pananagutan ang iba? Hindi ba’t dapat pantay-pantay tayo sa batas?"
Hindi rin nito pinalampas ang tila pananahimik ng hudikatura sa mga isyung may kinalaman sa malalaking personalidad, gaya ng pambabastos, pagbabanta, at iba pang hindi naaayon sa etika ng isang public official.
Hindi ito ang unang pagkakataong nagbitaw ng kontrobersyal na pahayag si Gadon. Ngunit sa pagkakataong ito, dala raw ng pagkadismaya ang kanyang matapang na pananalita.
"Hindi ito tungkol sa akin lang. Ito ay tungkol sa sistemang hindi na gumagana para sa katarungan."
Sa gitna ng kanyang disbarment, hindi pa rin tumitigil si Larry Gadon sa pagsasalita. Sa kanyang mga pahayag, binigyang-diin niya ang panawagan para sa pantay-pantay na hustisya, at hindi lamang para sa mga maliliit na tao kundi lalo na sa mga nasa kapangyarihan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento