Sa mundo ng showbiz kung saan mabilis ang galaw ng panahon at madalas kalimutan ang nakaraan, may isang kwento ng pagmamahalan na nanatiling buhay kahit pumanaw na ang isa. Si DJ Koo, kilalang South Korean DJ at musikero, ay araw-araw dumadalaw sa puntod ng kanyang yumaong asawa, ang Taiwanese actress na si Barbie Hsu, sa loob ng halos limang buwan.
Makikita si DJ Koo na tahimik na nakaupo sa harap ng puntod ni Barbie sa Jinbaoshan Cemetery sa New Taipei City tila ba sa bawat araw, muling binubuhay ang mga alaala nilang dalawa.
Ayon sa mga ulat, si DJ Koo ay halos hindi lumiban sa pagdalaw. Ang kanyang presensya ay hindi lamang pagpapakita ng paggalang, kundi isang malinaw na pahayag ng walang hanggang pag-ibig.
"Ito ang tanging paraan ko para ipadama sa kanya na hindi siya nawala sa puso ko," pahayag ni DJ Koo sa isang panayam.
"Kahit wala na siya sa mundong ito, araw-araw ko pa rin siyang minamahal."
Ang ganitong klase ng debosyon ay bihira na sa panahong ito. Kaya’t hindi kataka-taka na maraming netizens ang humanga at naantig sa ginagawa ni DJ Koo. Marami ang nagsabing sana’y makatagpo rin sila ng pagmamahal na gaya nito yung totoo, tapat, at hindi nawawala kahit kamatayan ang humadlang.
Hindi madali para kay DJ Koo ang mawalan ng minamahal. Ngunit sa halip na lumayo, pinili niyang manatiling malapit kahit sa puntod lang. Sa pamamagitan ng kanyang araw-araw na pagdalaw, nagkakaroon siya ng lakas ng loob at katahimikan.
"Wala akong ibang hiling kundi ang makausap siya, kahit sa katahimikan lang. At kapag naroon ako, pakiramdam ko kasama ko pa rin siya."
Sa simpleng araw-araw na pagdalaw ni DJ Koo, isang malakas na mensahe ng wagas at tapat na pagmamahal ang sumisigaw sa buong mundo: ang tunay na pag-ibig, hindi natatapos sa kamatayan. Hindi ito nakasulat lamang sa social media o sa pelikula nasa araw-araw na aksyon, sa pananahimik, at sa mga luhang bumabagsak sa lupa ng puntod ng isang mahal sa buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento