Naglabas ng matinding pahayag ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at inanunsyo nitong maghahain siya ng sunod-sunod na kaso laban sa whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan matapos siyang idawit sa pagkawala ng mga sabungero kasama rin sa pagkakaugnay ang aktres na si Gretchen Barretto.
“Hindi ko palalampasin ang paninira sa pangalan ko. Ang gusto ko lang, linisin ang pangalan ko at protektahan ang pamilya ko mula sa maling akusasyon. Sana po, pairalin natin ang due process. -Atong Ang
Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Lorna Kapunan, isusumite ngayong araw ang reklamo sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office. Kabilang sa mga kasong ihahain ay:
Grave threats
Grave coercion
Intimidation
Harassment
Slander
Nag-ugat ang mga akusasyon matapos lumabas si Patidongan sa isang exclusive interview sa “24 Oras”, kung saan diretsahan niyang binanggit ang pangalan nina Ang at Gretchen bilang may kinalaman umano sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Mariin naman itong itinanggi ng kampo ni Atong Ang, at tinawag ang mga paratang na malisyoso, walang basehan, at gawa-gawa lamang.
Bukod dito, nagsampa rin si Ang ng hiwalay na reklamo laban kina Patidongan at Alan “Brown” Bantiles para sa:
Conspiracy to commit attempted robbery
Grave threats
Slander
Incriminating an innocent person
Ayon kay Atong, nasira ang kanyang reputasyon at nagdulot ng matinding stress sa kanyang pamilya ang mga maling akusasyon. Iginiit niyang wala siyang kinalaman sa krimen at tuluyan siyang nakipag-cooperate sa mga awtoridad mula’t simula ng imbestigasyon.
“Ang hiniling ko lang po ay katarungan. Walang katotohanan ang mga paratang sa akin. Gusto ko ring ipanawagan sa publiko at media na huwag basta-basta magpakalat ng impormasyon hangga’t walang malinaw na ebidensya,” saad ni Ang.
Ang hakbang ni Atong Ang na magsampa ng kaso ay hindi lamang depensa sa kanyang sarili, kundi isang matapang na pahayag laban sa fake news at walang basehang paratang. Sa harap ng kontrobersiya, pinili niyang tumindig sa legal na paraan at ipaglaban ang kanyang karapatan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento