Mariing pinabulaanan ng aktres na si Sunshine Cruz ang mga kumakalat na tsismis na hiwalay na sila ng negosyanteng si Atong Ang at may umano’y isyung abuse sa kanilang relasyon. Sa kanyang Facebook post, diretsahang tinawag ni Sunshine ang mga balita bilang “fake news” at walang katotohanan.
“Hindi lahat ng nababasa online ay totoo. Sana maging maingat tayo sa pagbabahagi ng impormasyon, lalo na kung hindi kumpirmado ang source. Huwag tayong maging kasangkapan sa paninira.” -Sunshine Cruz
Nag-viral ang usapin online matapos may ilang social media pages at blogs ang maglabas ng artikulo na nagsasabing hindi na magkasama ang dalawa, at may alegasyong hindi maganda ang naging takbo ng kanilang relasyon.
Ngunit agad itong pinutol ni Sunshine, na naglabas ng maikling ngunit matapang na pahayag sa Facebook:
“Sharing misinformation is not advisable especially if the news comes from a questionable site. Be vigilant, family and friends.”
Sa madaling sabi, hindi totoo ang tsismis hindi sila hiwalay, at walang nangyayaring pananakit o abuso sa pagitan nila ni Atong Ang.
Matatandaang Disyembre 2024 nang kumpirmahin ni Atong Ang sa isang interview ang kanilang relasyon ni Sunshine Cruz, na siyang naging sentro rin ng maraming usap-usapan sa showbiz at social media.
Sa kabila ng mga intriga, pinili ni Sunshine ang katahimikan at dignidad sa pagtugon sa mga maling balita.
Ang paninindigan ni Sunshine Cruz laban sa pekeng balita ay paalala sa publiko na huwag basta-basta naniniwala sa mga kumakalat online. Sa panahon ngayon, mas mahalaga ang katotohanan kaysa atensyon, at mas mabuting manahimik na may dignidad kaysa pumatol sa intriga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento