Sa isang makabuluhang panayam, nagbigay ng payo at inspirasyon si Aga Muhlach sa kanyang mga tagasubaybay. Kilala si Aga bilang isa sa pinakamatatag na aktor sa industriya, pero sa halip na pag-usapan ang karera, nag-focus siya sa pagbabahagi ng simpleng aral sa buhay.
Ayon kay Aga:
“‘Wag tayong mamroblema sa buhay, nandiyan na 'yan. Maging masaya tayo sa kung anumang mayroon tayo… Kung ano man 'yon… May pamasahe ka, may trabaho ka, may kaunting kita ka, ayos 'yon! Kasi hindi pera lahat, minsan kailangan natin mga mahal sa buhay kasama natin. At the end of the day, always be happy and be kind.”
Marami ang naka-relate sa mensahe ni Aga. Sa panahon ngayon na halos lahat ay abala sa paghahanapbuhay at pagkakamit ng pera, paalala ito na ang tunay na yaman ay hindi lang materyal na bagay kundi ang simpleng kaligayahan at pagmamahal ng mga mahal sa buhay.
“Sa haba ng panahon sa showbiz, natutunan ko na ang totoong mahalaga ay hindi ang dami ng pera o ari-arian. Mas importante ‘yung masaya ka, at mas lalo na ‘yung may kasama kang mga mahal mo sa buhay. ‘Yan ang hindi nababayaran.” -Aga Muhlach
Ang payo ni Aga Muhlach ay simpleng paalala na tumama sa puso ng maraming Pilipino: Hindi natin kontrolado ang lahat ng problema sa buhay, pero kontrolado natin kung paano natin ito haharapin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento