Advertisement

Responsive Advertisement

VICE GANDA, NAGPALIWANAG AT HUMINGI NG PAUMANHIN MATAPOS MAKITANG NAKATULOG SA GITNA NG SHOWTIME

Biyernes, Hulyo 11, 2025

 



Nag-viral online ang video kung saan nakitang nakatulog si Vice Ganda habang nasa taping ng It’s Showtime. Maraming netizens ang nagtaka at may ilan pang nagbigay ng hindi magandang komento, ngunit agad namang nagpaliwanag si Vice Ganda sa social media.


“Halos lahat ng naganap kanina sa Showtime puro biglaan. Grabe ‘yung pressure and anticipation. Nauga ako. Napagod ang utak ko. Kaya ayun, nakatulog ako during commercial,” pahayag ni Vice Ganda.


Ayon sa komedyante at TV host, hindi raw ito sadya, kundi dala ng matinding pagod at pressure na kanilang nararamdaman habang pinapaganda ang palabas para sa Madlang People.


Hindi rin kaila na araw-araw ay live show ang It’s Showtime, kaya’t hindi maiiwasang may mga pagkakataon talaga na bumigay ang katawan kahit gaano ka-professional ang artista.


“We’re really trying our best to give u a good show. Everyday we try. Because the Madlang People deserve it,” dagdag pa niya.


Sa kabila ng ilang pambabatikos, mas marami pa rin ang nagpakita ng suporta kay Vice Ganda. Ayon sa mga fans, tao rin naman si Vice at normal lang mapagod lalo na’t ilang taon na itong walang patid sa trabaho sa telebisyon.


“Pasensya na po. Tao lang din kami. Pero sa bawat ngiti na naibibigay namin sa Madlang People, sulit lahat ng pagod. Laban lang!”


Ang nangyari kay Vice Ganda ay paalala sa ating lahat na kahit mga sikat at matagumpay na tao, napapagod at nangangailangan din ng pahinga.


Mas pinili ni Vice na maging totoo at ipaliwanag sa publiko ang tunay na dahilan kaysa manahimik lang — isang bagay na pinahanga lalo ng kanyang mga tagasuporta.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento