Advertisement

Responsive Advertisement

66% NG MGA PINOY: NANINIWALA DAPAT HARAPIN NI VP SARA DUTERTE ANG IMPEACHMENT

Miyerkules, Hulyo 16, 2025

 



Ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na kinomisyon ng Stratbase Group, lumalabas na 66% ng mga Pilipino ang naniniwala na dapat tugunin at harapin ni Vice President Sara Duterte ang kinakaharap niyang impeachment complaint.


“Nirerespeto ko ang sentimyento ng taumbayan. Bilang halal na opisyal, tungkulin kong harapin ang anumang reklamo o alegasyon upang mapanatili ang tiwala ng publiko. Naninindigan akong malinis ang aking konsensya, at haharap ako nang bukas at maayos.” -VP Sara Duterte


Ayon sa datos, 19% lamang ang hindi sang-ayon, habang 15% ang undecided.


Metro Manila: 76% ang nagsabing dapat harapin ni VP Sara ang impeachment.


Balance Luzon: 69%


Visayas: 67%


Mindanao: 55%


Sa socio-economic classes naman:


Classes ABC: 73%


Class D: 66%


Class E: 62%


Ayon sa mga sumagot, mas makabubuti raw na maipaliwanag ni VP Sara ang mga isyu ng korapsyon na ibinabato laban sa kanya sa pamamagitan ng paglilitis.


Ayon kay Prof. Dindo Manhit, presidente ng Stratbase Group:


“This level of awareness reflects a more engaged and vigilant public. Filipinos are watching closely and expect the country’s democratic institutions, particularly the Senate, to act decisively and impartially.”


Ibig sabihin, mas mapanuri at masigasig na ngayon ang taumbayan sa pagsubaybay sa mga isyu ng pamahalaan.


Ang resulta ng SWS survey ay malinaw na nagpapakita ng malakas na sentimyento ng publiko: gusto ng karamihan ng Pilipino na harapin ni Vice President Sara Duterte ang impeachment trial upang malinawan ang bayan.


Hindi na bulag ang taumbayan. Sa panahon ngayon, mas aktibo at mapanuri na ang mamamayan pagdating sa mga isyu ng gobyerno.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento