Isang bagong yugto ng tagumpay ang ibinahagi ng TV personality at content creator na si Awra Briguela matapos siyang mag-upload ng mga larawan mula sa kanyang Senior High School (SHS) graduation ceremony sa Instagram story.
“Masarap po sa pakiramdam na kahit marami akong ginagawa sa buhay, nairaos ko ang pag-aaral. Sa lahat ng sumuporta at naniwala, salamat po. Para sa inyo ‘to, at para rin sa sarili ko.” -Awra Briguela
Sa nasabing post, makikita si Awra na nakasuot ng toga, hawak ang diploma, at may kasamang taos-pusong mensahe:
“Sa likod ng bawat tagumpay ko, nandiyan kayo laging nakaalalay at sumusuporta. Salamat sa lahat. Mahal na mahal ko kayo. Para sa inyo ‘to.”
Hindi madali para kay Awra ang pagsabayin ang kanyang pagiging artista at pag-aaral. Bukod sa mga taping at social media commitments, nagawa pa rin niyang magpursige sa pag-aaral hanggang makapagtapos ng Senior High School.
Ayon sa mga followers niya, inspirasyon si Awra lalo na sa mga kabataang nag-aalangan pumasok sa school habang may personal na pinagdaraanan o abala sa trabaho.
Ang kwento ni Awra Briguela ay isa na namang patunay na hindi hadlang ang showbiz career o abalang buhay sa pag-abot ng edukasyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento