Noong 2024, sumabog ang tawag na “Boy Dila” sa social media pagkatapos niyang basain ang isang motorcycle rider sa Wattah Wattah Festival sa San Juan City. Ngayon, si Lexter Castro, 22 anyos, ay nasa kustodiya naman dahil umano sa paglabag sa Anti-Bastos Law matapos mag-catcall sa isang menor de edad
Ayon sa kanya mula sa piitan:
“Wala sir, nakasuhan po ako ng Anti‑Bastos Law. Sa pagsitsit po, sir. Menor de edad. Nadala lang po sa pagkalasing ko.”
Ayon sa ulat, nag-catcall siya ng “huni” o pagsitsit sa isang menor, kaya nahatulan siya sa ilalim ng Safe Spaces Act (Anti-Bastos Law) .
Mula viral video sa Wattah Wattah, nauwi sina Castro sa mas seryosong kaso dahil sa catcalling sa isang menor. Ipinapakita ng pangyayaring ito na ang viral fame ay may kaakibat na responsibilidad at posibleng legal na kahihinatnan kung lumabis.
“Umaasa ako na natuto na siya ng kaniyang leksyon… magsilbi din po ito sa lahat.” - Mayor Francis Zamora
Ang bagong regulasyon ng San Juan City ay mabuting hakbang para masiguro na ang kasiyahan ng piyesta ay hindi mausali sa kontrobersiya. May bagong regulasyon para mas panatag at mas ligtas ang selebrasyon sa susunod.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento