Mainit na ang labanan para sa Senate Presidency, at kapwa sina Senate President Chiz Escudero at Senator-elect Tito Sotto ay humihingi na ng suporta mula sa Duterte bloc, ayon kay Senator-elect Bong Go nitong Miyerkules.
"Ang hinahanap namin ay lider na inuuna ang bayan, hindi ang sarili o ang partido. Ang Senado ay dapat independent — hindi sunud-sunuran sa kahit sinong personalidad. Bukas kami sa lahat ng makabuluhang pag-uusap, basta’t malinaw ang hangarin: para sa Pilipino, hindi para sa pulitika." - Bong Go
“Yes, from our group,” kumpirmasyon ni Go nang tanungin kung nilapitan na sila ng dalawang senador.
Ang Duterte bloc ay binubuo ng mga senador na may malapit na kaugnayan kay Vice President Sara Duterte, kabilang sina Senators Ronald “Bato” Dela Rosa, Robin Padilla, Imee Marcos, Rodante Marcoleta, at si Go mismo.
Ayon kay Go, hindi pa sila nagdedesisyon kung sino ang susuportahan, ngunit tumatanggap sila ng mga pakikipag-usap mula sa iba't ibang kampo. Aniya, hindi loyalty kundi prinsipyo ang batayan ng kanilang desisyon.
“Many others are also reaching out. We’re open to all discussions. Our criteria: prioritize the nation’s interest, the welfare of every Filipino, and ensure an independent Senate,” dagdag pa niya.
Inihayag rin ni Go na maaaring maglatag ng sariling kandidato ang kanilang grupo, ngunit kasalukuyan pa itong pinag-uusapan.
Nilinaw ni Go na hindi nila ibabatay ang suporta sa kung sino ang may loyalty kay VP Sara Duterte, na kasalukuyang humaharap sa impeachment trial.
“That’s still being discussed,” aniya. “We’re not choosing based on loyalty to anyone. We are choosing based on capability and integrity.”
Ang karera para sa susunod na Senate President ay isa sa mga pinakamainit na political maneuvering ngayong taon. Sa likod ng mga pormal na pahayag at matitino umanong layunin, halatang mabigat ang labanan sa likod ng kamera. Ang pagkilos nina Sotto at Escudero upang makuha ang suporta ng Duterte bloc ay patunay kung gaano kahalaga ang bawat boto.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento