Advertisement

Responsive Advertisement

"NAGKATAON LANG NA PAPAALIS NA AKO, NAKASALUBONG KO SILA" DILG SEC. JONVIC REMULLA ITINANGGING HINARANGAN SINA SEN. PIA CAYETANO AT SEN. PADILLA

Huwebes, Hunyo 4, 2026

 





Itinanggi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na hinarang niya sina Senadora Pia Cayetano, Senador Robin Padilla, at ang 18 sinasabing ex-Marines na papasok sa Senado para sa Blue Ribbon Committee hearing.

“Palabas na ako, pagkita ko isang delubyong tao ang dumarating papunta sa akin. Kung hindi ko pinrotektahan ang sarili ko, madadaganan ako.”

Ayon kay Remulla, palabas na siya ng gusali nang makasalubong niya ang malaking grupo ng mga tao. Sa kanyang paliwanag, hindi siya nandoon para pigilan ang sinuman, nagkataon lang umano na siya ang nasa dadaanan ng grupo at kailangan niyang protektahan ang sarili. Iniulat ng Daily Tribune na sinabi ni Remulla na siya ang “pushed aside” at iginiit niyang wala siyang kakayahang humarang dahil mag-isa lang siya noon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento