Muling nadawit ang pangalan ni Father Flavie Villanueva matapos sabihin umano ng isa sa mga miyembro ng tinatawag na 18 ex-Marines na nakapaghatid siya ng sobre at maleta para sa pari.
Ayon sa pahayag ng sinasabing dating miyembro ng Philippine Marine Corps na si Jowly Cadiao, nag-duty umano siya bilang security o personnel sa isang PR operation at inutusan umano siyang maghatid ng pera kay Villanueva sa isang simbahan sa Mindanao Avenue.
Mabigat ang alegasyon dahil pera, maleta, at umano’y delivery ang pinag-uusapan. Pero kailangang malinaw: ito ay paratang pa lamang. Hangga’t walang dokumento, CCTV, bank trail, malinaw na source ng pera, at pormal na findings, hindi ito dapat ituring na napatunayang katotohanan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento