Nanindigan ang Malacañang na kinikilala nito ang liderato ni acting Senate President Sherwin “Win” Gatchalian matapos ang kontrobersyal na pagbabago sa pamunuan ng Senado.
“Yung internal problems ng Senado, sila ang mag-settle ng issues. But as far as the Palace is concerned, kinikilala na po natin ang liderato ni Acting Senate President Win Gatchalian. Kung ano man po ang kanyang mensahe, yun ang kikilalanin.”
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, ang nangyari sa Senado ay tinitingnan ng Palasyo bilang naaayon sa batas at rule of law. Kinilala rin ng Palasyo ang desisyon ng bagong mayorya at ang liderato ni Gatchalian bilang acting Senate President.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento