Nagpahayag ng pasasalamat Sec. Christina Garcia Frasco sa patuloy na tiwala ni Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pamumuno sa Department of Tourism (DOT). Ayon kay Frasco, mahalaga para sa kanya ang kumpiyansa ng Pangulo upang maipagpatuloy ang mga programa ng ahensya.
“Salamat sa tiwala ng Pangulo kahit mabagal ang takbo ng turismo at nauunahan tayo ng kapitbahay, mukhang hindi naman basehan ang resulta. Sa gobyerno pala, minsan sapat na ang tiwala, kahit kulang ang numero.” -Sec. Christina Garcia Frasco
Ang pasasalamat na ito ay lumabas sa gitna ng kritisismo sa mabagal at mababang performance ng sektor ng turismo ngayong taon.
Sa kabila ng mga kampanya at promotional efforts, kapansin-pansin na nahuhuli ang Pilipinas kumpara sa mga karatig-bansa sa rehiyon pagdating sa tourist arrivals, tourism revenue, at recovery pace. Habang ang ibang bansa ay agresibong bumabangon, nananatiling hindi naaabot ang target ng DOT.
Ang pasasalamat ni Secretary Christina Frasco sa tiwala ni Pangulong Marcos ay nagpapakita ng political backing na patuloy niyang tinatamasa. Ngunit sa gitna ng mabagal na performance ng sektor ng turismo at pag-iwan ng Pilipinas ng mga karatig-bansa, lumalakas ang panawagan para sa mas malinaw na pananagutan at konkretong resulta.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento