Advertisement

Responsive Advertisement

"UNCONSTITUTIONAL AT WALANG MATIBAY NA EBIDENSYA" SUPREME COURT IBINASURA ANG IMPEACHMENT COMPLAINT LABAN KAY VP SARA DUTERTE

Huwebes, Enero 29, 2026

 



Pinagtibay ng Supreme Court of the Philippines ang nauna nitong desisyon na nagdedeklarang unconstitutional ang Articles of Impeachment laban kay Sara Duterte. Ayon sa Korte, ang reklamong inihain ay walang sapat na legal na basehan at nakabatay lamang sa haka-haka at espekulasyon.

Dahil dito, tuluyang ibinasura ng Korte Suprema ang impeachment complaint, iginiit na hindi puwedeng gamitin ang proseso ng impeachment nang walang malinaw at matibay na ebidensya.

Sa kanilang ruling, binigyang-diin ng Korte Suprema na ang impeachment ay isang seryosong konstitusyonal na proseso, hindi isang mekanismong puwedeng gamitin para sa pulitikal na pamumulitika. Para sa mga mahistrado, malinaw na hindi sapat ang paratang kung walang konkretong patunay.

Iginiit ng Korte na ang mga alegasyon laban sa Bise Presidente ay hindi umabot sa pamantayan na itinakda ng Saligang Batas upang ituloy ang impeachment.

Ayon sa Korte Suprema, ang desisyon ay hindi tungkol sa personalidad ng inirereklamo kundi sa pagprotekta sa due process at rule of law. Kung pahihintulutan ang impeachment batay sa haka-haka, anila, masisira ang integridad ng Konstitusyon at magiging bukas ito sa abuso.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento