Nagpahayag si DILG Sec. Jonvic Remulla na handa siyang makipag-coordinate sa Swedish authorities upang arestoihin si Zaldy Co, na may umiiral na warrant kaugnay ng anomalous flood control projects.
Ayon kay Remulla, kung kinakailangan, handa siyang lumipad sa Sweden upang personal na tiyakin ang pagdakip patunay umano na seryoso ang pamahalaan sa pagpapanagot sa mga sangkot sa malakihang katiwalian.
"Hindi po bakasyon ang pupuntahan ko, may dala akong warrant at may basehan, puwede kami magkita ni Zaldy Co na may posas.” -DILG Sec. Jonvic Remulla
Ipinunto ni Remulla na mahalaga ang international cooperation sa mga kasong may cross-border elements. Ang pakikipag-ugnayan sa Swedish authorities ay bahagi ng rule-of-law approach upang masigurong ang warrant ay maipatupad alinsunod sa batas at tamang proseso.
Ang kahandaan ni DILG Secretary Jonvic Remulla na makipag-coordinate sa Sweden at personal na tiyakin ang pagdakip kay Zaldy Co ay nagpapakita ng matigas na tindig laban sa korapsyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento