Inamin ni Sara Duterte na posibleng palitan si Nicholas Kaufman bilang legal counsel ni Rodrigo Duterte kaugnay ng mga pagdinig sa International Criminal Court (ICC).
Sa isang panayam, sinabi ng Bise Presidente na pag-uusapan nila ng kanyang ama ang posibilidad ng pagbabago sa legal team, kasunod ng sunod-sunod na hindi umanong epektibong apela na inihain ni Kaufman sa ICC.
Ayon sa kampo ng mga Duterte, ang mga naging hakbang ng kasalukuyang abogado ay hindi nagbunga ng inaasahang resulta. Sa halip na mapalakas ang depensa, tila lalo pang napahina ang posisyon ng dating Pangulo sa mata ng international court.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento