Advertisement

Responsive Advertisement

"PANAHON NA PARA BAGUHIN ANG KONSTITUSYON” TITO SOTTO KINUWESTIYON ANG DESISYON NG KORTE SUPREMA SA IMPEACHMENT CASE NI VP SARA DUTERTE

Biyernes, Enero 30, 2026

 


Mariing kinuwestiyon ni Tito Sotto ang naging desisyon ng Supreme Court of the Philippines na ibasura ang impeachment case laban kay Sara Duterte. Ayon kay Sotto, wala na raw sa lugar ang Korte Suprema at malinaw umanong nanghihimasok ito sa trabaho ng Kongreso, isang kapangyarihang hindi umano saklaw ng hudikatura.


Para sa Senate President, ang impeachment ay isang political process na malinaw na nakatalaga sa lehislatura, at hindi dapat pinapangunahan o pinakikialaman ng Korte Suprema.


Giit ni Sotto, malinaw sa Konstitusyon na ang House of Representatives ang may kapangyarihang tumanggap at umusad ng impeachment complaints, habang ang Senado ang tumatayong impeachment court. Kapag ang Korte Suprema na raw ang nagpapasya kung alin ang puwedeng umusad o hindi, nabubura ang hangganan ng separation of powers.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento