Opisyal nang naging bahagi ng Philippine Coast Guard Auxiliary si Sen. Raffy Tulfo matapos siyang ginawaran ng ranggong Auxiliary Rear Admiral sa isinagawang Donning and Oath-taking Ceremony sa Philippine Coast Guard National Headquarters sa Port Area noong Enero 29, 2026.
Ang naturang pagkilala ay hindi simpleng seremonya lamang, kundi pagkilala sa naging papel ni Tulfo sa pagsusulong ng mga repormang may layong palakasin at i-modernize ang Philippine Coast Guard.
Ayon kay Ronnie Gil Gavan, Commandant ng PCG, naging mahalaga ang suporta ni Sen. Tulfo sa mga panukalang batas at repormang naglalayong paigtingin ang kakayahan ng Coast Guard, lalo na sa usapin ng maritime security, modern equipment, at kapakanan ng mga tauhan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento