Nilinaw ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na walang ibinigay na special treatment kay dating senador Bong Revilla matapos siyang ilagay sa New Quezon City Jail.
Ayon sa BJMP, inilagay si Revilla sa ordinaryong selda at kasama ang mga regular na inmate na itinuturing na low risk. Wala rin umanong kaugnayan ang mga kasamang preso sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan, upang maiwasan ang anumang isyu o impluwensiya.
Ipinunto ng BJMP na malinaw ang patakaran: walang VIP treatment sa kulungan. Ang paglalagay kay Revilla sa regular na selda ay patunay umano na pare-pareho ang pagpapatupad ng alituntunin, anuman ang dating posisyon o katayuan ng isang bilanggo.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento