Matapos pinal na ideklara ng Supreme Court of the Philippines na unconstitutional ang impeachment na inihain laban kay Sara Duterte, nagpahayag si Senate President Tito Sotto ng mariing pagtutol. Para kay Sotto, sumobra umano ang Korte Suprema at nanghimasok sa kapangyarihang eksklusibo ng Kongreso.
“Kung Korte Suprema na ang magdedesisyon kung alin ang puwedeng i-impeach, eh di sila na rin ang mag-Kongreso. Malinaw naman trabaho ito ng Kongreso, hindi ng hudikatura.” -Senate President Tito Sotto
Ayon sa Senate President, ang impeachment ay usaping pampulitika at konstitusyonal na malinaw na itinalaga sa Congress of the Philippines, hindi sa hudikatura.
Sa Konstitusyon, ang Kongreso ang may tungkulin na tumanggap, magproseso, at magpasya sa impeachment complaints. Giit ni Sotto, kapag ang Korte Suprema ang nagdidikta kung alin ang puwedeng umusad o hindi, nabubura ang linya ng separation of powers.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento