Naglabas ng maanghang at prangkang pahayag si Lorraine Badoy laban kay Tito Sotto matapos kuwestiyunin ng huli ang naging desisyon ng Supreme Court of the Philippines kaugnay ng impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Para kay Badoy, wala umanong karapatan si Sotto na magturo sa Korte Suprema kung alin ang tama o mali, lalo’t ang hudikatura ay isang co-equal branch ng gobyerno na may sariling mandato sa ilalim ng Konstitusyon.
Sa kanyang pahayag, iginiit ni Badoy na ang pag-atake ni Sotto sa Korte Suprema ay hindi naaayon sa posisyon bilang Senate President. Ayon sa kanya, ang mga desisyon ng Korte ay hindi dinadaan sa opinyon o popularidad, kundi sa batas at jurisprudence.
Ginamit pa ni Badoy ang nakaraan ni Sotto bilang host ng Eat Bulaga upang idiin ang kanyang punto na magkaibang mundo ang aliwan at hudikatu

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento