Tiniyak ni Vince Dizon, Kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na walang makakalusot na ghost projects sa Visayas at Mindanao. Ayon sa kanya, walang balak magpahinga ang pamunuan ng DPWH hangga’t hindi nalilinis ang mga proyektong may bahid ng katiwalian.
Sa isang pahayag noong Sabado, Enero 24, 2026, kinumpirma ni Dizon na magsasagawa siya ng sunod-sunod na site visits at inspeksyon sa mga proyektong pang-imprastraktura sa Visayas at Mindanao ngayong linggo.
Nilinaw ng DPWH Secretary na ang mga inspeksyon ay hindi para sa photo opportunity, kundi para siguraduhing totoo ang proyekto, maayos ang gawa, at tama ang ginastos. Aniya, matagal nang problema ang mga proyektong nasa papel lang pero buo ang bayad—isang sistemang malinaw na binaboy ang pondo ng bayan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento