Matapos ideklara ng Supreme Court of the Philippines na unconstitutional ang articles of impeachment laban kay Sara Duterte, nagbago ang ihip ng hangin para kay Vicente Sotto III. Kung dati’y malinaw ang kanyang pagtutol sa charter change (cha-cha), ngayon ay buong-buo na ang suporta niya rito.
Para kay Sotto, ang naging desisyon ng Korte Suprema ay hindi lamang isang legal na ruling, kundi isang pangyayaring nagbukas ng mas malalim na tanong na malinaw ang hangganan ng kapangyarihan ng hudikatura at lehislatura.
Ayon sa Senate President, ang impeachment ay konstitusyonal na tungkulin ng Kongreso. Kapag ang Korte Suprema umano ang nagtatakda kung alin ang puwedeng umusad, nalalagay sa alanganin ang separation of powers. Dito pumapasok ang cha-cha bilang paraan para linawin sa Saligang Batas ang saklaw at limitasyon ng bawat sangay ng gobyerno.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento