Binalewala ni VP Sara Duterte ang pangamba ng ilang sektor na maaaring maaresto si Sen. Ronald "Bato" dela Rosa sa pamamagitan ng warrant ng International Criminal Court (ICC).
“Kung ang pagtupad sa tungkulin ay naging krimen na ngayon, aba’y marami na palang dapat matakot. Pero alam ko at alam niya na ginawa lang niya ang tama para sa bayan.” -VP Sara Duterte
Ayon sa Bise Presidente, wala umanong nilabag na batas si Sen. Dela Rosa at ginampanan lamang nito ang kanyang tungkulin noong siya ay nasa serbisyo ng gobyerno. Para kay Duterte, malinaw sa kanyang konsensya at paniniwala na ginawa ni Bato ang tama para sa bayan.
Diretsahan ang naging pahayag ni VP Sara naniniwala siyang walang ginawang mali ang senador. Sa kanyang pananaw, ang mga hakbang na ginawa ni Dela Rosa noong mga nakaraang taon ay bahagi ng pagpapatupad ng batas at kaayusan, at hindi dapat ikriminalisa sa ilalim ng isang internasyonal na proseso.
Sa mata ni Vice President Sara Duterte, ang pangamba sa posibleng pag-aresto kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ay walang sapat na batayan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento