Advertisement

Responsive Advertisement

"PAKIUSAP KO LANG PO, PATAHIMIKIN NIYO NA ANG KALULUWA NG ASAWA KO" ASAWA NI USEC. CABRAL HANDA NANG MAG-MOVE ON, NANAWAGAN NG KAPAYAPAAN SA PUBLIKO

Martes, Disyembre 23, 2025

 



Sa gitna ng patuloy na pagputok ng mga espekulasyon, akusasyon, at teorya kaugnay sa biglaang pagpanaw ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral, nanawagan nang buong puso ang kanyang asawa, si Cesar Cabral, sa publiko na tama na, hayaan na ninyong manahimik ang kanyang asawa.


“Pakiusap ko lang po, patahimikin n’yo na ang kaluluwa ng asawa ko. Tanggap na namin bilang pamilya na aksidente ang nangyari. Handa na kaming mag-move on, pero ang patuloy na espekulasyon ay lalo lang nakakasakit sa amin.” -Cesar Cabral


Ayon kay Cesar Cabral, matagal nang labis na nasasaktan ang kanilang pamilya dahil sa patuloy na pag-uungkat at paglikha ng kwento tungkol sa pagkamatay ng kanyang asawa. Mahirap na nga ang kanilang pinagdaraanan, lalo pang pinabibigat ng mga haka-hakang walang pruweba.


Iginiit niya na malinaw para sa kanilang pamilya ang resulta ng imbestigasyon na aksidente ang nangyari, at tapos na para sa kanila ang isyu.


Sa gitna ng maingay na kontrobersya, ang mismong pamilya ng nasawi ang nagsusumamo para sa katahimikan. Ayon kay Cesar Cabral, sapat na ang sakit na kanilang nararanasan, hindi na nila kinakailangan pa ang mga teoryang walang basehan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento