Nagbigay ng malinaw at diretsahang mensahe si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa publiko: hindi pa ligtas ang dating House Speaker Martin Romualdez sa mga kasong iniuugnay sa kanya.
“Hindi pa po ligtas si dating Speaker Romualdez. May kaso pa siyang kakaharapin. Pero hindi natin pwedeng madaliin kung kulang ang ebidensya." -Pangulong Marcos
Ayon kay Marcos, may proseso at hindi maaaring basta-basta maglabas ng paratang kung hindi sumusunod sa tamang legal standards.
Kaya aniya, matatagalan ang pag-usad ng kaso dahil kinakailangan pa ng mas malakas, kumpleto, at solidong ebidensya upang tuluyang idiin ang dating speaker.
Sa kanyang pahayag, nilinaw ng Pangulo na walang sinuman ang exempted sa batas, kahit ang pinakamalapit sa kanya. Ayon kay Marcos, hindi niya papayagan ang isang kasong ihain kung hindi handang-handa ang gobyerno na ipanalo ito sa korte. Kapag minadali, baka mabasura lamang ang kaso at mas lalo pang magkaroon ng pagdududa ang taumbayan.
Ang pahayag ni Pangulong Marcos ay malinaw na indikasyon na hindi sarado ang kaso laban kay Martin Romualdez. Bagama’t mabagal ang pag-usad, ito ay dahil tinitiyak ng administrasyon na matibay, kumpleto, at hindi mapapabulaanan ang mga ebidensyang isusumite.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento