Ipinahayag ni AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr. ang kanyang taos-pusong pasasalamat kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa walang humpay na suportang ibinibigay nito sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
“Lubos ang aking pasasalamat kay Pangulong Marcos. Dahil sa kanyang suporta, nagkakaroon ng lakas at kumpiyansa ang AFP para harapin ang mga banta mula sa ibang bansa. Kaya naming protektahan ang Pilipinas dahil hindi niya kami pinababayaan.” -AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr.
Ayon kay Brawner, ang modernisasyon, kagamitan, at moral support na ibinibigay ng Pangulo sa AFP ay nagiging pangunahing dahilan kung bakit mas handang depensahan ng bansa ang anumang banta lalo na mula sa ibang teritoryo o dayuhang pwersa.
Sa kanyang pahayag, hindi niya itinago ang kanyang paggalang at paghanga sa Pangulo, na aniya ay tunay na nagpapakita ng malasakit sa seguridad ng bansa. Ayon kay Brawner, ramdam ng bawat sundalo mula frontline hanggang command ang direktang suporta ni Pangulong Marcos sa kanilang misyon.
Para kay Brawner, malinaw ang layunin na isang matatag, moderno, at pinagkakatiwalaang sandatahang lakas para protektahan ang Pilipinas at ang pinakamahalagang bahagi ng misyon na ito ay ang pagkakaroon ng Pangulong sumusuporta sa kanila mula simula hanggang dulo.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento