Advertisement

Responsive Advertisement

"WALA AKONG PINOPROTEKTAHAN, TAPAT AKO SA BAYAN AT HINDI SA SINUMAN” OMBUDSMAN REMULLA MARIING ITINANGGI NA PROTEKTADO NIYA SI MARTIN ROMUALDEZ

Huwebes, Disyembre 11, 2025

 



Mariing pinabulaanan ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang mga paratang na pinoprotektahan umano niya ang dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng mga isyu ng katiwalian. Ayon kay Remulla, walang katotohanan ang mga akusasyong ito at malinaw niyang sinabi na hindi siya tapat sa politiko tapat siya sa bayan.


“Hindi ko pinoprotektahan si dating Speaker Martin Romualdez o sinumang politiko. Ang katapatan ko ay sa bayan." -Ombudsman Jesus Crispin Remulla 


Sa gitna ng lumalalang hiling ng publiko para sa hustisya sa mga kontrobersyang kinasasangkutan ng ilang matataas na opisyal, iginiit ni Remulla na ang kanyang tanggapan ay hindi magagamit para sa proteksyon ng sinuman, gaano man kalaki ang pangalan o kapangyarihan.


Binibigyang-diin ni Remulla na ang Office of the Ombudsman ay isang independent constitutional office, at hindi ito maaaring diktahan o impluwensyahan ng kahit sinong politiko.


Ayon sa kanya, ang tanging panata niya ay panatilihin ang integridad ng proseso at ihatid ang hustisya sa mga mamamayang Pilipino. Pinunto ni Remulla na marami ang gumagawa ng haka-haka dahil hindi agad lumalabas ang mga kaso laban sa prominenteng personalidad.


Ang matapang na pahayag ni Ombudsman Remulla ay malinaw na mensahe sa publiko:

hindi siya magiging kasangkapan ng kanino man, at hindi siya magtatago ng kahit sinong opisyal, kabilang si Martin Romualdez.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento