Advertisement

Responsive Advertisement

“HUWAG NANG PATAGALIN, IPA-PRAYORIDAD ANG IMPEACHMENT NI VP SARA” REP. LEILA DE LIMA TINUTULAK ANG MABILISANG PAG-USAD NG IMPEACHMENT COMPLAINT

Huwebes, Disyembre 11, 2025

 



Nagpahayag ng matibay na suporta si Rep. Leila de Lima para sa agarang pag-usad ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, kasunod ng patuloy na panawagan ng publiko para sa pananagutan sa mga isyung kinakaharap ng Bise Presidente.


“Huwag na nating patagalin. I-prioritize na ang impeachment complaint. Ito ang hinihingi ng taumbayan, at tungkulin natin na kumilos at bigyan sila ng hustisyang matagal na nilang inaantay.” -Rep. Leila de Lima 


Ayon kay De Lima, hindi na dapat pinatatagal pa ang proseso, lalo na kung malinaw ang sentimyento ng mamamayan na magkaroon ng mabilis, malinis, at transparent na pagdinig laban sa VP.

Giit niya, maraming beses nang napatunayan na ang pag-antala sa ganitong mga kaso ay nagbubukas ng duda, pampulitikang maniobra, at posibleng pagtakbo ng mga may pananagutan.


Para sa kongresista, mas makabubuti para sa bansa na mauna nang aksyunan ang impeachment complaint upang magkaroon ng linaw kung mananagot ba ang Bise Presidente o mapawalang-sala sa pamamagitan ng tamang proseso.


Sa matapang at diretsong panawagan ni Rep. Leila de Lima, malinaw ang mensahe na hindi puwedeng patagalin ang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento